Tropical Cyclone Warning for Agriculture

TROPICAL CYCLONE WARNING
TCWA NO. 2 (FINAL) TROPICAL DEPRESSION “IGME”

INILABAS 8:00 AM 21 SETYEMBRE 2024
SYNOPSIS

NASA LABAS NA NG PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY ANG TROPICAL DEPRESSION “IGME”.

LOKASYON

Kaninang 4:00 AM, ito ay nasa 520 km hilaga hilagang silangan ng Itbayat, Batanes (Labas ng PAR)

COORDINATES

25.2°N, 123.5°E

TAGLAY NA LAKAS NG HANGIN

70 km/h

PAGKILOS

PAGKILOS: Pa-hilagang Kanluran sa bilis na 35 km/h at may TAGLAY NA LAKAS: 55 km/h malapit sa gitna

TINATAYANG LUGAR NA DADAANAN NG BAGYO
TINATAYANG LUGAR NA DADAANAN NG BAGYO
LAT
(°N)
LONG
(°E)
LOKASYON LAKAS
(km/h)
KATEGORYA
BUKAS NG UMAGA: 25.4 120.4 535 km hilaga hilagang kanluran ng
Itbayat, Batanes (Labas ng PAR)
- LOW

BABALA NG BAGYO
WALANG NAKATAAS NA BABALA NG BAGYO


MALAKAS NA PAG-ULAN

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Weather Advisory #43 para sa Habagat na inilabas ng PAGASA kaninang 5:00 AM.

MALAKAS NA HANGIN
Ang Habagat ay posibleng magdala ng pagbugso ng hangin sa mga sumusunod na mga lugar (lalo na sa mga lugar malapit sa dagat at matataas at mabubundok na lugar):
NGAYONG ARAW BUKAS
Rehiyon ng Ilocos, Abra, Benguet, Batanes, mga Isla ng Babuyan, dulong silangang bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya,
at Zambales
Rehiyon ng Ilocos, Abra, Benguet, Batanes, mga Isla ng Babuyan, mainland Cagayan, Isabela, Nueva
Vizcaya, at Zambales.

PAALALA: Ang mga babala ng bagyo ay upang mabigyan ng babala ang lahat sa panganib na dulot ng hangin dahil sa bagyo. Ang mga lokal na hangin ay posibleng bahagyang mas malakas sa mga lugar malapit sa tabing-dagat o matataas at mabubundok na lugar. Mas mahina ang hangin sa mga lugar na hindi direktang tinatamaan nito.

MALAKAS NA PAG-ALON
Nakataas ang Gale Warning
(mula sa Gale Warning #2 na inilabas ngayong 5:00 AM)
Kanlurang baybayin ng Rehiyon ng Ilocos
Walang Gale Warning ngunit may maalon na karagatan
(1.0 hanggang 3.5 m)
  • 2.5 hanggang 4.0 m: Mga baybayin ng Batanes at Zambales
  • 1.5 hanggang 3.5 m: Mga baybayin ng mga Isla ng Babuyan
  • 1.0 hanggang 3.0 m: Mga baybayin ng Bataan, mga Isla ng Kalayaan, at mainland Cagayan
Walang Gale Warning ngunit may katamtamang pag-alon ng karagatan (1.0 hanggang 2.5 m) Mga baybayin ng Isabela at Isla ng Lubang

PAALALA:
Maalon hanggang sa napakaalon: Mapanganib maglayag ang maliliit na sasakyang pandagat, kasama ang anumang uri ng mga bangkang de motor

Katamtaman hanggang sa maalon: Mapanganib maglayag ang maliliit na sasakyang pandagat, kasama ang anumang uri ng mga bangkang de motor. Pinapayuhan ang mga maglalayag na walang karanasan sa ganitong kondisyon o mga gumagamit ng mga sasakyan na may sira na huwag munang pumalaot.

Katamtamang pag-alon ng karagatan: Mapanganib maglayag ang maliliit na sasakyang pandagat at mga kasinlaki nito. Pinapayuhan ang mga maglalayag na mag-ingat at kung maaari ay umiwas muna sa mga lugar na ito.

PAGKILOS NG BAGYO
  • Inaasahang babagal ang pagkilos ng bagyong IGME pa-kanluran hilagang kanluran sa East China ngayong araw. Ito ay kikilos naman patungo sa timog-kanluran bukas (22 Setyember).
  • Inaasahang mananatiling Tropical Depression ang bagyong IGME ngayong araw. Dahil sa frontal system na nasa East China Sea, ito ay hihina at magiging Low Pressure Area bukas.
AGRI-PANAHON

AGRI-PANAHON
LUGAR NG PAGTAYA LAGAY NG PANAHON
PANG-AGRIKULTURA
TEMPERATURA (0C) RH% PAGKABASA NG
DAHON
(ORAS)
Mababang
Bukirin
Mataas na
Bukirin
Batanes at mga Isla ng Babuyan Pag-ulan dulot ng Habagat 24 – 29 22 – 27 70 – 100 > 12
Rehiyon ng Ilocos, Bataan, at Zambales Paminsan-minsang pag-ulan 24 – 30 22 – 28 70 – 100 6 – 12
Metro Manila, natitirang bahagi ng Luzon, Kanlurang Kabisayaan, Northern Samar, Eastern Samar, at Samar Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog 23 – 33 14 – 29 60 – 98 4 – 8
Mindanao at natitirang bahagi ng Kabisayaan Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog 23 – 34 19 – 29 50 – 97 0 – 6

PAYONG PANGSAKAHAN SA MGA LUGAR NA HINDI APEKTADO NG BAGYO
PAYONG PANGSAKAHAN PAGKATAPOS NG BAGYO
  • Alisin o linisin ang mga bagay tulad ng sanga ng kahoy, yero, at iba pang katulad na inilipad sa palayan sanhi ng malakas na hangin.
  • Tanggalin/alisan ang mga nakaharang sa mga kanal na maaring makakapagpabagal sa takbo o paghupa ng baha.
  • Ayusin ang mga pilapil at prinsang sinira ng baha na dulot ng ulan.
  • Kumpunihin ang mga nasirang balangkas tulad ng kamalig, kulungan, at iba pang katulad nito na nasalanta ng malakas na hangin.
PAYONG PANSAKAHAN SA MGA LUGAR NA HINDI APEKTADO NG BAGYO
  • Patuloy sa mga normal na gawain sa bukid.
  • Siguraduhing matibay at maayos ang imbakan o kamalig ng mga produkong binhi tulad ng palay at mais atbp produktong gulay o prutas upang hindi bumaba ang kalidad ng mga ito.
  • Ipagpatuloy pa rin ang paglilinis ng kapaligiran lalo na ang daluyan ng tubig para maiwasan ang mga pagbaha at pag-usos ng lupa.
  • Gumawa ng mga kanal para ipunan ng tubig o “small impounding reservoir” upang may magamit na tubig sakaling magkaroon ng kakulangan.
Patuloy na mag-antabay sa mga updates at pagbabago ukol sa sama ng panahon.

Ang mga public and disaster risk reduction and management office (PDRRMO) na maaaring maapektuhan ay pinapayuhan na gumawa ng mga kaukulang hakbang para maprotektahan ang buhay at mga ari-arian. Ang mga nakatira sa mga lugar na maaaring maapektuhan ay pinapayuhang sumunod sa mga tagubilin ng mga namumuno sa inyong lugar. Para sa heavy rainfall warnings, thunderstorm/rainfall advisories, at iba pang severe weather information na para sa inyong lugar, palaging magbantay sa mga produktong ilalabas ng inyong lokal PAGASA Regional Services Division.
Inihanda nina: Binigyang pansin:
RAAM / JOT MEVT